Saturday, August 26, 2006

sorry nalang...

umandar na naman ang aking ka-sentihan...

dati rati, kapag chine-check ko ang aking account sa SDA singles, pangalan mo palagi ang una sa listahan ng "Those who viewed your profile." pero simula nung july 2, ang araw na nagdesisiyon akong ayaw na kitang makausap at ayaw ko na ring makatanggap ng text galing sa'yo, hindi na naging parte ang pangalan mo sa listahan ng "who viewed me". miss na kita, grandprex...kahit naging masungit ako minsan..ay,palagi pala, mayroon pa rin akong nararamdaman.

****

happy birthday sa kaibigan kong taga-iloilo. 28 ka na. ang dami na nating alam na kwento sa isa't isa. simula nung nag-alok ka ng tulong sa akin, naging instant kaibigan na kita. maraming salamat sa lahat. masaya rin akong malamang nagsisisi ka na sa mga nagawa mong kabalbalan dati. natuto kang isuka ang kamaliang ginawa mo sa "pokpok" sa kanto ng bahay niyo. naramdaman mo na ngayon ang katok ng Diyos sa puso mo. first time kong hindi nagcocomment sa mga ganoong bagay dahil dati, kapag nakakarinig ako ng mga ganoong kwento, affected talaga ako. siguro nga natututo na rin akong tanggapin ang mga ugali ng mga taong hindi ko ugali. ang Diyos ay gumawa ng mga taong hindi pare-pareho. meron din akong mga nagawang kamalian at marami akong natutunan. baka rin, ang karanasang nangyari sa'yo ang siyang paraan ng Diyos upang ikaw ay matuto rin. hindi ako nandiri sa'yo. palangga pa rin kita.

sana palagi mo pa rin ang itetext.

****

at kay makulit na herbert, maghintay ka, darating din tayo dyan...

No comments: